Step-by-step instructions para laging lumabas ang posts ko sa Facebook News Feed ninyo

Hi, everyone.

Baka napansin po ninyo na lately hindi lumalabas lahat ng posts ko sa Facebook News Feed ninyo. Well… ito po ay dahil nagbago ang algorithm ng Facebook lately. Hindi na po prioritized ang posts ng Facebook Pages kahit na nag-LIKE kayo sa Page ko. Ang proirity na po kasi ng Facebook ay ang posts ng FB friends ninyo kaya yun ang madalas ninyong makikita kaagad sa timeline ninyo.

Pero meron pong paraan para bumalik sa dati ang settings at para lumabas lagi ang posts ng Facebook Page ko sa News Feed/Timeline ninyo palagi. Kailangan lang po ay sundin ninyo ang step-by-step instructions (with photo examples) na ibibigay ko sa inyo dito. Nakikiusap po ako na sana gawin ninyo ito para tama po lagi kayong updated sa mga posts ko.
Wag po kayo magalala… madali lang po ang instructions.

Please follow these steps

Step 1

Sa Facebook app ninyo, click po kayo sa lower right button na mukhang three horizontal lines.

Facebook Page Priority

Step 2

Scroll down po hanggang makita ninyo ang “SETTINGS”. Click niyo po ang SETTINGS.

Facebook Page Priority

Step 3

Click po ninyo ang “NEWS FEED PREFERENCES”.

Facebook Page Priority

Step 4

Click niyo po ang “PRIORITIZE WHO TO SEE FIRST”.

Facebook Page Priority

Step 5

Hanapin niyo po ang icon ng Facebook Page ko at i-click ninyo para magkaroon ng blue star. Ito ang tamang setting para laging lalabas ang posts ko sa timeline ninyo pag nagpost po ako sa Facebook Page ko.

Facebook Page Priority

Step 6

Pag may blue star na sa icon ng Facebook Page ko, click “DONE” sa upper right ng screen.

Facebook Page Priority

That’s it! Yehey!

That’s it! Yun lang po ang kailangan gawin. Madali lang, diba? Hope magawa po ninyo ito para lagi po kayong updated sa mga posts ko at para lagi tayong connected sa isa’t isa.
Maraming salamat po ulit sa walang sawang suporta ninyo.

God bless you all and LABYU!

Leave your comments

comments

Step-by-step instructions para laging lumabas ang posts ko sa Facebook News Feed ninyo was last modified: April 12th, 2018 by Chuckie Dreyfus